MGA ARTIKULONG PAMPUBLIKO =D
Sabado, Marso 16, 2013
“WIKA KO KAYAMANAN KO”
Ang wika ang susi at kaluluwa ng
ating lahi. Ginagamit ang wika sa mga salitang nagpapahayag ng diwa at
damdamin. Dahil sa wika ang ating mga hinaing o saloobin ay naipapahayag sa
maganda man o pangit na paraan, Masaya man o malungkot ang ating sasabihin. Ang
mahalaga ay nagagamit natin ang ating sariling wika sa masining o malikhaing
pamamaraan ng pagpapahayag ng damdamin. Sa pamamagitan nito dito natin
malalaman kung gaano tayo ka epektibo sa pagsasalita at pakikipagusap o pakikipag
komyunikeyt sa ating kapwa. Ayon naman kay Noah Webster ang wika raw ang siyang
tagapagpahayag ng mga ideya; sakali mang hindi mapangalagaan ang identidad
nito, tiyak na mawawalan din ng saysay ang ideyang nakapaloob dito. Sa madaling
salita kapag napabayaan ang wika at kapag hindi ito ginamit ng wasto mawawalan
ng bisa o saysay ang paggamit sa wika at hindi na magiging makabuluhan ang
wika. Naniniwala ako na kung ano ang kapangyarihang taglay ng wika ay siya ring
kapangyarihan ng ating kultura. Bilang estudyante, bilang Pilipino at bahagi ng
mundo para sa akin ang wika ang nagbibigkis sa mga tao at ito rin ang
nagbibigay ng kahulugan at kulay sa ating kinagisnang kultura. Napaka laki ng
kaugnayan ng wika sa ating kultura dahil kung walang wika walang kultura. Ang
wika ay kakambal ng kultura dahil sa tuwing ginagamit natin ng tama ang wika
dito maibabase o masasalamin kung anong klaseng kultura meron tayong mga
Pilipino. Ayon sa aking guro noon ang wika ay itinuturing na pangunahing
instrumento ng tao tungo sa mabisang interaksyon o komunikasyon sa ating kapwa.
Napaka halaga ng wika una sa sarili dahil sa paggamit ng wika nagagawa ng tao
na mapaunlad ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagtatamo ng mga kaalaman sa
kanyang paligid. Dahi dito, nagagawa rin niyang maipahayag ang kanyang mga
naisin at mithiin sa buhay na may malaking epekto tungo sa pampersonal na
kasiyahan. Ikalawa, mahalaga ang wika sa bawat isa sa atin dahil kinakailangan
nating makipagkomyunikeyt upang mapatatag ang relasyong sosyal. Nagagawa rin ng
wika na mas mapalawak pa ang ating karanasan sa buhay. ikatlo, mahalaga ang
wika sa lipunan bakit? Dahil
sa wika nagkaka buklod-buklod ang mga tao sa lipunan. Isa ring halimbawa ng ka
importantehan ng wika ay ang mga ginawang kasulatan o sulat ng ating magiting
na bayani na si Dr. Jose Protacio Rizal Y Realonda. Ginamit niya ang kanyang
kakayahan sa pagsusulat sa masining na paraan at yun ay upang bigyang linaw at
pag-asa ang mga kapwa kababayan na mag-alsa, magprotesta at ipag laban ang kanilang
karapatan laban sa mga prayle at mga sundalong kastila. Sa pagpapamalas ni
Rizal ng kanyang katalinuhan sa pamamaraan ng kanyang malikhaing pagsulat at
paggamit ng mga matatalinhaga o mabubulaklak na mga pananalita ay namulat o
natauhan ang mga Pilipino sa kabila ng pagkabulag at pagkabingi nila sa mga
katiwalian, kasamaan at pang-aabusong ginawa ng mga kastila sa mga
Pilipino. Ang kagitingan ni Rizal ay
nagsilbing susi sa kamalayan ng mga Pilipino at dahil sa kanya nagkaisa at
nagkaroon ng katatagan ang mga Pilipino upang magkaroon ng katarungan at ipaglaban
ang kalayaan. Ang pagmamahal sa sariling wika ay sadyang wagas na mahalaga
dahil ang wika ay parte ng buhay nating mga tao dapat natin itong pahalagahan
at pagyamanin. Nasa tao kung papaano niya gagamitin ang wika. Sana isa-isip at
isa puso nating lahat na ang wika ay importante sa pag debelop ng ating
pamayanan. Ating pagyamanin at pakaingatan ang ating wika dahil pamana at bigay
sa atin ito ng Diyos. Maswerte tayo dahil may wika paano kung walang wika? Kung
walang komunikasyon siguro, lahat tayo ay hindi magkakaintindihan. Minsan
tayong mga tao hindi natin namamalayan na sa sobrang paggamit natin sa wika ay
mali na pala ang ating nasasabi at minsan pa ay nakakasakit na pala tayo ng
damdamin ng ating kapwa. Kaya dapat piliin ng wasto ang mga salitang gagamitin
bago ito sabihin, bigkasin o bitawan. Hindi lamang isinisimbolo ng wika ang
kultura ng bawat lipunan kundi sumisimbolo rin ang wika sa katangian, kabuuan
at pagkatao. Maging maingat, matalino at masining sa paggamit ng wika. May
kaugnayan ang wika sa lahat ng bagay sa mundo. Para sa akin importante ang wika
sa mga mag-aaral dahil ang edukasyon ay isa sa matibay na basehan na nagbibigay
importansya o kahalagahan sa gampanin ng wika.
“TABUGA”
Tabuga ang paraan na
ginagamit ng ibang tao sa industriya ng media tulad ng mga broadcaster at radio
announcer. Ang salitang tabuga ay isang negatibong paraan ng pagbibigay ng
hindi magandang komento o opinyon na maaaring makaapekto at makasira sa
pangalan ng isa o higit pang tao. Sa panahon ngayon, napakabilis kumalat ng
balita. Dahil na rin sa modernisasyon. Halimbawa ng mapanirang epekto ng
pangtatabuga ay ang pagkwestyon sa trabaho ng isang pulitiko. Paninira at
paggawa ng kwento tungkol sa isang artista. Ang mga ganitong pangyayari ay
maaaring hayagang marinig sa radyo. Hindi lamang marinig kundi pwede rin itong
mapanood sa telebisyon. Meron akong alam na isang taga pagbalita sa radyo na
mahilig magbitiw ng mga hindi magagandang salita na talaga namang pangit
pakinggan. At kung makapag bigay ng kanyang komento o komentaryo aakalain mong
siya ay napaka perpektong tao. Ang masama sa pangtatabuga ay ang pagkuha sa
simpatya ng mga tao, manonood o mga taga pakinig at paniwalain sila sa
akusasyon na walang katuturan o walang katibayan. Ayon sa aming napag-aralan
ang isang magaling na tagapag balita ay hindi dapat naninira ng ibang tao.
Gawain ng isang propesyunal na tagapag balita ang mangalap at magbalita lamang
ng mga makatotohanang balita na makapag bibigay ng impormasyon sa mga tao. Kung
ang isang tagapag balita raw ay nagbabalita lamang upang magkaroon ng maraming
pera ibig sabihin ginagamit niya lamang ang kanyang boses sa kanyang
pansariling kagustuhan upang maging bida. Marahil hindi niya iniisip ang
maaring kapalit nito o balik nito sa kanya. Minsan tayong mga tao ay
nagpapadala sa sulsul ng iba. Kaya hindi na natin namamalayan na nakakasakit na
pala tayo ng damdamin at nakakatapak na pala tao ng ibang tao. Sabi pa ng aming
guro ang ibang reporter daw ay ginagamit ang kapangyarihan upang sindakin at
kontrolin ang ibang tao. Para sa akin ang pangtatabuga ay hindi magandang
paraan ng pagbabalita. Hindi mo kinakailangang mangtabuga upang maging sikat.
Mas mabuti nang sigurado ka sa bawat salitang bibitawan mo o sasabihin mo sa
ere. Kaysa naman magbalita ka ng hindi ka sigurado at wala kang katibayan o
ebidensyang pinanghahawakan. Na maaaring sa bandang huli ikaw pa ang mapahamak.
At dahil sa paninira mo sa iba maaaring mabaliktad ang sitwasyon sa halip na
matuwa at maniwala sayo ang mga tao. Pwedeng dahil sa maling pagbabalita mo
ikaw pa ang mawalan ng trabaho at masira pa ang pangalan mo. Marami na rin
akong nabalitaan na pinatay na reporter. Dahil na rin sa maraming nakaaway at
nainis na tao sa paraan ng kanilang pagbabalita. Kung gusto mong magtagal sa
iyong trabaho at kung gusto mong mahalin ka ng mga tao sa ginagawa mo.
Kailangan matuto kang gawin ang tama o nararapat upang wala kang maagrabyado.
Ang ibang mga tagapag balita kasi hindi naman talaga nagtapos sa kursong
communication. Habang ang iba naman nagiging reporter dahil maabilidad basta
kayang magsalita makakapasok talaga sa field. Ayon naman sa aking dating boss
noong ako’y nag oojt pa ang media raw ay maaaring makasira at maari ring makapagpaangat.
Kung baga kayang paikutin ng media ang isang tao lalo na ang mga pulitiko at
mga artista. Sana huwag masilaw sa kayamanan ang ibang reporter gawin sana nila
yung alam nilang dapat nilang gawin. Yung tamang paraan lamang ng pagbabalita
hindi yung pairalin ang pandaraya. Tungkulin nilang magbalita at hindi ang
manira. Ayon nga sa 24 oras sila raw ay walang kinikilingan, walang
pinoprotektahan kundi serbisyong totoo lamang. Kung ganyan rin sana ang itatak
sa isipan ng ibang announcer. Di sana nananatili pang buhay yung ibang mga
napatay o pinatay na mga reporter. Ika nga nasa huli ang pagsisisi. Tandaan
nating lahat na “Nasa Diyos ang awa nasa Tao ang gawa”.
“REBELDE”
Igdi sa Pilipinas kadakol na krimen an nangyayari.
Igwang badilan, saksakan, habunan asin mga kaso nin pangmumulestya. Maski pa
ngani magkarugo nag gagadanan. Sa sakuyang nahiling asin nadangog na bareta sa
tv igwang magtugang na nagiwal asin nagsaksakan manungod sa bangaan sa daga. Tano
daw ta igwang mga arog ka ining kaso? Sabi kan iba an mga para gadan itong mga
rebelde. Tano baya ta igwang mga rebelde? Siguro, an iba nagrerebelde tanganing
maka survive. Ano an mawot sabihon kan mga rebelde ta daw sinda nag-aaklas?
Para sako bako man totally mararaot an mga rebelde. An iba sainda nag guiguibo
nin sala tanganing maitao an mga kaipuhanan kan pamilya. Mantang an iba
nagrerebelde tanganing madangog asin mapansin an saindang di pagkamuya sa
sistema igdi sa satuyang nasyon. Kung baga, igwang rason kun tano sinda
nagrerebelde. Pwede man nyatong sabihon na baka habo ninda sa klase kan
pamamaagi kan mga tawo sa gobyerno na igwa kita ngunyan. Anggan para sainda an
ibang polisiya (policy) sa satuyang gobyerno dae man sana nasusunod. Kun
satuyang guiguirumdumon an ibang mga rebelde kaparyo kan mga taga Mindanao na
mga MILF, ABU SAYAFF, asin iba pang militanteng grupo nanghohostage sinda kan
mga foreigner para makakua nin dakulang presyo nin kwarta. Para man makabakal
kan saindang pan sadiring kagustuhan asin mga kaipuhan. Pigbabasol kan ibang
tawo an mga rebelde sa gabos na krimen. Segun sa opinyon kan iba an mga rebelde
an makasalan. Aram nyatong mga pinoy na mayo kitang binatbat sa ibang nasyon.
Sinda kadakol na yaman habang kita salat sa yaman. Hasta sa ngunyan kaibahan an
Pilipinas sa dakol na kaso nin corruption. Kaya dae ta man basta na sana
pagbasulon an ibang rebelde kun habo ninda sa pamumuno kan satuyang pinuno na
nakaula sa pwesto ngunyan. An mga rebelde nagrerebelde ta gusto ninda nin
pagbabago. Pagbabago sa gabos na sistema.
“THIS IS MY LIFE” (^_^)
When I was a child, I used to cry whenever my mother will leave me after
sending me to school. That’s why everyday when I am going to school, I am with
my nanny her name is Maricel. I am the youngest among my siblings. I used to play
alone when I was a child. My barbie dolls are my playmates. My family is over
protective with me. Growing up or growing old is part of life. While I am
growing old, the level of my discoveries and experiences are also increasing.
Then I realized that life is too short, so I believe that I have to live my
life to the fullest and don’t forget to smile even if there is a dilemma. I can
say that my life is simple. I’m living with my mother and my siblings. I am
sure you are wondering why I don’t include my father for the reason that he is
not with us and I don’t even know where to find him. Even if we don’t have our
father on our side to guide us, I do not consider my family as a broken family.
I am not angry with my father I still love him and respect him. If I am going
to be given the chance I will look for him. But I don’t know where to start.
I’m thankful for my father because without him I will not be here or I won’t
exist. However, I am contented with the
company of my mother. That’s why I really salute my mother and consider her as
my hero. A hero because she is not only a mother to us but at the same time, a
father. I learned a lot from my mother as my first teacher just like Rizal’s
mother. I am a simple girl with so many dreams not only for myself but also for
my family especially for my mother. There are times that I am imagining things
that will happen in the future. I really want to have a mansion for my mother.
I will buy a car for us when for travelling purposes. I desire to tour around
the world with my family. I would like to have our own bar and restaurant as a
family business. Our family is a happy family because our bonding time is
kidding or joking time. We laugh a lot. My friends told me that I am a good
joker that I can be a comedian. Maybe, it’s natural for me to crack a joke
because of the environment I have. To see my mother happy and proud of me is my
power or strength to face all the things that will happen in my life. I am
scared to lose my mother because she has heart failure. My mother is my
inspiration in achieving my goals. I am grateful to god for letting me borrowed
life from his holiness. I am looking forward for the challenges that I might
face after I graduate. I’m so excited to see what is really happening in the
real work world.
“LINGAW”
Sarong banggi mantang natuturog na kami kan ako napurisaw ta nahiling ko
an lola ko naglalakaw pasiring sa samuyang lababo. Igwa siyang kapot na baso na
igwang laag na tubig. Tulos kong pighiling kun ano pa an pigtatago niya sa
saiyang saluyong kamot. Sakuyang nariparu na an kapot-kapot palan kan lola ko
duwang 25 sentimos. Dali-dali kong pighale an bente-sinko sentimos sa saiyang
kamot ta sabi niya sako mainom daa siya kan saiyang bulong. Pighale ko ta bako
man tong bulong sintabo baga ito. Duman na nagpuon na nalilingaw na palan si
lola. Sa tagalog ulyanin na. Anggan sa makalipas an mga aldaw iba na an mga guiniguibo
kan samuyang lola. Maluwas sa samuyang harong ta mapauma daa siya. Dae naman
namo pigtutugutan na maghale sa harong asin magpaduman sa uma ta kun ano pa
mangyari saiya sa luwas. Kaya man grabe an pag-iingat namo. Minsan dae na namo
maintindihan kun ano ang pigsasabi ta minsan pa uru-utro na sana an istorya.
Igwa pa yan mga pigsasambit na mga pangaran. Mga haloy na palan na gadan itong
mga naguiguirumduman. Kan si lola makusog pa garu na yan aki minsan
nagpapasulod na siya samuya. Lingaw na siya magkakan solo. Dae na aram kun pano
magkarigos kan sadiri. Nag-iihi sa salog kaya man pirmi kaming igwang Dr. P sa
harong. An Dr. P brand kan diaper na pig gagamit namo saiya. Dati si lola
kadakol tipon na sintabo o kwarta ngunyan pag pinabayaan mong igwang kapot na
sintabo kun di ngani yan ura-urada isangal. Dati maringgaw si lola maski an
saiyang pustiso pigtago pa niya sa samuyang bagasan o balde na laagan nin
bagas. Nasa second year high school ako kan magpuon na malingaw si lola. Helang
na palan ito bako sanang ordinaryong pagka lingaw ta sabi kan doktor kan pa
checkup pan namo siya an kaso ni lola pigbabaoy na Alzheimer’s disease. Sarong
kondisyon na apektado an utak kan tawo na maaring magkawsa na dae na mafunction
na maray ang brain o gradually mapundo na an pagdalagan kan utak. Segun pa sa sinabi kan doktor mayo nang bulong
sa kondisyon ni lola. Halaton na lang daa namo na malingawan ni lola maski an
samuyang pangaran. Kaya palan an paglaom ni lola mga aki pa an saiyang mga
makuapo. Maski ngani pag hinahapot ko si lola kan saiyang ngaran dae na siya
nasimbag. Pirmi na lamang namong pinaparigusan asin pinapakakan si lola. Tiyaga
an kaipuhan sa pag-aling sa samuyang lola. Kaya pag mayo akong klase ako an
nagbabantay saiya ta dae na siya pwedeng bayaan ta baka maulog mabagok pa an
payo baka mas lalo nang makalingaw. Segun man sa sakuyang naaraman an helang
palan ni lola pwede maski sa pirang edad maski mga nasa 20 an edad pwede
tamaan. Nagkakaigwa daang Alzheimer’s disease pag sobrang stress asin depress.
Kaya dapat maski pirang edad ugaliing magmuya-muya asin dapat nag eexercise pa
man giraray tanganing dae makalingaw. Mayo man maraot kun matubod kita na
“Laughter is the best medicine” iyo baga?
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)